Chinese pharmaceutical company na Sinopharm, umatras sa pagsasagawa ng COVID-19 vaccine trials sa Pilipinas ayon sa DOST

Photo Courtesy: Asia Nikkei

Hindi na tutuloy sa pagsasagawa ng COVID-19 vaccine clinical trials sa Pilipinas ang Chinese pharmaceutical company na Sinopharm.

Ang Sinopharm ay isa sa anim na kompanyang lumagda sa confidentiality disclosure agreement (CDA) sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña, nagbago ang isip ng Sinopharm kaya hindi na nila ipupursige pa ang clinical trials dito sa bansa.


Hindi naman binanggit ng kalihim kung ano ang dahilan ng Chinese pharmaceutical company.

“Before, they said that they want to provide a supply of vaccines as well as to get involved in the clinical trials phase 3 in the Philippines, but later on they have communicated to us that they are still interested in the supply side but they are no longer going to conduct clinical trials phase 3,” sabi ni de la Peña.

Ang isa pang Chinese manufacturer na Sinovac ay binigyan ng go signal na magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas pero kailangan pa ng clearance mula sa Ethics board bago sila makapag-umpisa.

Para naman sa Gamaleya Research Institute of Russia, nasa proseso sila ng paghahanap ng isang local contact research organization na makikipagtulungan sa kanila sa pagkumpleto ng mga requirements para sa kanilang application sa clinical trials.

Ang pharmaceutical company na Janssen na nakabase sa Belgium ay wala pang science agreement sa Pilipinas, pero nagpasa ng application para sa clinical trials.

May mga kompanya rin mula Australia at Taiwan ang lumagda ng confidentiality disclosure agreement sa Pilipinas at handa silang magpasa ng kinakailangang requirements para sa pagsasagawa ng clinical trials sa bansa.

Ang Pilipinas ay nagkikipag-ugnayan din sa 17 biotech at pharmaceutical companies mula sa pitong bansa sa mundo na mayroong bilateral science and technology agreements.

Facebook Comments