World – Matapos ang sampung taon, muling bibisita sa bansa si Chinese Premier Li Keqiang.
Ito ang inanunsyo ni Chinese Embassy Counsellor Ethan Yi Sun sa kanyang talumpati sa China-Philippines dialogue 2017.
Ayon kay sun, bibisita si Li sa Nobyembre at iba pa ito sa kanyang pagdalo sa magaganap na Association of South East Asian Nations Summit na pamumunuan ng pilipinas sa kaparehong buwan.
Hindi pa rin siya sigurado kung dadalo ang premier sa ASEAN kung saan hinihintay pa nila ang official announcement mula sa foreign ministry sa kaniyang magiging schedule.
Sinabi pa ni Sun na nakatakda din siyang makipagpulong kina Pangulong Duterte, Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.
Facebook Comments