Chinese pres, nagbanta ng ‘gulo’ kapag iginiit ng Pilipinas ang oil drill sa WPS

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay ng babala sa kanya si Chinese President Xi Jinping kung ipupursige ng Pilipinas ang pagsasagawa ng oil drill sa West Philippine Sea.

Ito ang naalala ng Pangulo sa bilateral meeting nila ng Chinese leader matapos niyang sabihin ang posibilidad na kumuha ng oil resources.

Ayon sa Pangulo – ayaw ni President Xi na mapag-usapan ang tungkol sa langis at mas gusto nito ang mga bagay na maaari nilang itulong sa Pilipinas.


Sabi sa kanya ni Xi na gulo ang posibleng mangyari kapag iginiit niya muli ang usapin sa langis.

Nakasaad sa 2016 arbitral tribunal decision, ang Pilipinas ay may sovereign rights sa 200-mile Exclusive Economic Zone (EEZ) at may access sa offshore oil at gas fields.

Facebook Comments