Chinese President Xi Jinping, nangakong prayoridad ang Pilipinas sa malilikhang gamot kontra COVID-19

Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping na magiging prayoridad nito ang Pilipinas sakaling maging available na ang nililikhang gamot ng China kontra COVID-19.

Kasunod ito ng pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng China nitong Huwebes, (June 11, 2020) ng gabi na tumagal ng 38 minuto.

Ayon sa Malakanyang, tinalakay ng dalawa ang progreso ng dalawang bansa sa paglaban sa COVID-19 at ang estratehiya ng mga ito sa pagbabalik ng ekonomiya.


Kaugnay nito, siniguro naman ni Pangulong Duterte kay President Xi na hindi nito papayagang gamitin ng sinuman ang bansa laban sa China.

Maliban sa COVID-19 ay pinag-usapan din ng dalawang lider ang ika-45th anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relationship ng dalawang bansa.

Facebook Comments