Chinese President Xi Jinping, nasa Amerika na para sa dalawang araw na state visit

24

America – Nasa Amerika na si Chinese President Xi Jinping para sa dalawang araw na state visit kay US President Donald Trump.

Lumapag ang private plane ni Xi sa Palm Beach International Airport Florida kung saan sa pribadong resort ni Trump gaganapin ang nasabing pulong.

Bukod sa trade relationship ay pag-uusapan ng dalawang bansa ang banta ng nuclear program ng North Korea.

Una nang isinusulong ni Democrat Secretary Edward Markey – na direktang makipagpulong si Trump kay North Korean Leader Kim Jong Un sakaling hindi magtagumpay ang pakikipag-usap nito sa Chinese leader.

Ipinanukala rin na patawan ng panibagong sanction sa Pyongyang bunsod ng kanilang nuclear at ballistic missile.
Nation”

Facebook Comments