Chinese rescue boat, sinaklolohan ng PCG sa karagatan ng Palawan

Sinaklolohan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan ang maritime incident partikular ang isang rescue boat na may sakay na apat na mangingisdang Tsino.

Kasalukuyang nangingisda si Mario Mabuhay sa karagatan ng Rizal, Palawan nang mapansin nito ang isang rescue boat.

Agad na nakipag-ugnayan sa Coast Guard personnel si Mabuhay at agad na nasaklolohan ang rescue boat na kalaunan ay napag-alaman na may sakay palang dalawang Chinese fishermen na wala nang buhay.


Agad namang nilapatan ng lunas ng Coast Guard medical team ang 2 survivors.

Nabatid na kasalukuyang nangingisda ang 4 na Chinese nang salubungin sila ng malakas na hangin at malalaking alon.

Facebook Comments