Manila, Philippines – Handa ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na depensahan sa isasagawang pagdinig ng Senado at Kamara ang pag-eere ng mga Chinese shows.
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, walang mali sa pagpapalabas ng mga Chinese shows hangga’t ang mga laman nito ay may entertainment at information values.
Aniya, maari namang ipalabas ng PTV 4 ang anumang foreign shows basta mayroong Memorandum of Understanding (MOU).
Hindi na rin aniya ito bago dahil naipalabas na rin noon sa government channel ang ilang Korean shows.
Sabi pa ni Andanar, mayroong MOU ang PTV 4 sa Japan, Korea, China habang inaayos na ang kasunduan sa Cambodia, Thailand, Russia at Myanmar.
Facebook Comments