
Naghain ng not guilty plea sa Makati Regional Trial Court (RTC) ang Chinese national na hinihinalang nag-e-espiya laban sa Pilipinas.
Kabilang din sa naghain ng not guilty plea sa korte ang dalawang Pinoy na kasama ng Chinese national na si Deng Yuanqing.
Kasama rin sa iniharap sa korte ang mini-SUV na sinasabing ginagamit ni Deng sa paniniktik sa mga pasilidad ng militar.
Dalawang oras na tumagal ang hearing kung saan dumating din sa pagdinig ang prosecutors ng Department of Justice (DOJ).
Pagkatapos ng pagdinig ay ibinalik ang respondents sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility.
Facebook Comments