Chinese student na nagsaboy ng taho sa isang pulis nais ipa-deport ng NCRPO

73

Makaraang sabuyan ng taho ng isang Chinese student ang pulis na nakatalaga sa MRT Boni Avenue Station noong Sabado.

Nais ni NCRPO Chief General Guillermo Eleazar na ipa-deport si Jiale Zhang, 23-anyosm estudyante at ideklara itong undesirable alien.

Ayon kay General Eleazar, nais niyang matuto at bigyang leksyon ang banyaga dahil kapag ang mga Pinoy ang nasa ibang bansa marunong tayong sumunod sa pinaiiral nilang batas.

Matatandaang kinasuhan ng direct assault, disobedience to person in authority at unjust vexation ang Chinese student matapos niyang sabuyan ng taho ang pulis dahil hindi siya nito hinayaang makapasok sa MRT dahil sa pinatutupad na no foods, no drinks allowed sa MRT maging sa LRT.

Samantala, pinapurihan naman ni Eleazar si PO1 William Cristobal ng Philippine National Police Regional Mobile Force Battalion Mobile Company dahil sa pagiging mahinahon nito.

Umaasa ang heneral na hindi na mauulit ang insidente sabay pakiusap sa mga parokyano ng MRT na sumunod sa batas dahil ang seguridad lamang nila ang kanilamg prayoridad.

Facebook Comments