Chinese survey ship, muling pumasok sa Pilipinas na walang pasabi

Isa na namang Chinese vessel ang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas na walang abiso.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Ryan Martinson ng US Naval War College, namataan ang Chinese survey ship ‘Zhangjian’ sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kumikilos aniya ito pakanluran palapit sa bansa sa bilis na ’10 knots’ o  higit 18 kilometro kada oras.


Hindi naman malinaw kung may pahintulot ito mula sa local authorities.

Nakatanggap din ng kaparehas na ulat sa U.P. Maritime law expert na si prof. Jay Batongbacal.

Ayon kay Batongbacal – palihim na tumatawid ng ating karagatan ang barko ng China at patuloy ang kanilang survey sa lugar.

Para kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – ang pagdaan ng naturang barko ay walang permiso sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat munang magpaalam sa gobyerno ang mga foreign ship bago dumaan sa Pilipinas.

Pero wala dapat ikabahala dahil nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) maaari namang dumaan ang mga foreign ship basta hindi magtatagal sa teritoryo ng bansa.

Una nang sinabi ng Malacañan na kapag hindi sumunod ang mga dayuhang barko sa ating maritime laws ay mapipilitan ang gobyerno na gawin ang “unfriendly” act.

Facebook Comments