Chinese vessel na bumangga sa fishing boat ng mga Pinoy sa Recto Bank, hinahanap na

Hinahanap na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Chinese fishing vessel na bumangga sa barkong pangisda ng Pilipinas sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Captain Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) – gumagamit na sila ng sea vision computer system para mahanap ang barkong pangisda ng China na bumangga sa FB Gimber 1 kung saan sakay ang 22 Pinoy.

Sabi pa ni Balilo, hindi ito ang unang beses na may nangyaring banggan sa pagitan ng barkong pangisda ng China at Pilipinas.


Kaugnay nito, ipinag-utos na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtulong ng BRB Ramon Alcaraz para marekober ang lumubog na barkong pangisda ng Pilipinas.

Facebook Comments