Kinumpirma ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal na 200 lang at hindi 600 ang namo-monitor nilang Chinese vessels na lumalayag sa karagatan ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Taliwas ito sa unang mga lumabas na impormasyon na umaabot ng 600 ang mga Chinese vessels ang nakikita sa Pag-asa Island.
Ayon kay Madrigal ang West Philippines Sea Committee na kabilang ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang gumagawa ngayon ng hakbang upang tutukan ang isyu o para magsagawa ng protesta.
Una na ring sinabi ng pamunuan ng Department of National Defense (DND) na alam nilang ang ginagawang paglalayag ng mga Chinese vessels sa Pag-asa Island pero ipinauubaya na nila sa DFA ang mga nararapat na hakbang.
Facebook Comments