Chinese vessels na nangongolekta ng water samples sa Ayungin Shoal, pinalayas ng tropa ng pamahalaan

Wala na ang mga mga maliliit na bangka ng China na nangongolekta ng water samples sa bisinidad ng Ayungin Shoal.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, pinalayas na kasi ito ng mga tropa na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre.

Aniya, ang 4 na sampan at 2 rigid hulled inflatable boat ng China ay nangongolekta ng water samples sa layong isang kilometro mula sa BRP Sierra Madre.


Ang mga banka ay nanggaling sa 3 Chinese research vessel na naka-himpil sa bisinidad ng Ayungin Shoal.

Sinabi ni Trinidad na nag-deploy ang pamahalaan ng mga assets nito para patuloy na i-monitor ang lugar.

Facebook Comments