Chinese vessels, patuloy na namamataan sa mga isla ng Pilipinas sa WPS

Aabot sa 50 Chinese vessels ang namataan sa West Philippine Sea hanggang nitong March 11, 2024.

Batay sa naging monitoring ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mayroong pitong China Coast Guard, 18 Chinese maritime militia vessels, 29 na maliliit na Chinese fishing boats ang kanilang namataan sa mga isla at features na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Margareth Francel Padilla, ang mga ito ay namataan sa Bajo de Masinloc shoal, Ayungin Shoal, Pagasa Island, at Panatag Island.


Samantala, bukod dito ay iniulat din ni Col. Padilla na tuloy pa rin ang pagsasagawa ng AFP ng rotation and resupply mission sa lahat ng features sa Western section ng EEZ ng ating bansa.

Kasalukuyan na ring pinaghahandaan ng AFP ang ikakasa nitong RORE mission sa Pagasa, Kota, Panatag, at Parola shoal unang linggo ng buwan ng Abril.

Facebook Comments