Chinese workers sa POGO outlets, hindi dapat paghinalaang espiya

68

Pinalagan ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua ang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ukol sa pagiging espiya ng mga Chinese workers sa Pilipinas.

Matatandaang sinabi ng kalihim na posibleng mag-spiya ang mga Chinese workers ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) outlets na nakatayo malapit sa mga base ng AFP at PNP.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagtext sa kanya si Zhao at sinabing paano kung isipin din ng China na espiya ang mga OFW na nasa China.

Maaaring ibig sabihin aniya nito ay hindi dapat pag-isipan ng ganon ang mga Tsino.

Ayon pa kay Panelo, maaaring ang nagiging problema ay masyadong security consious ang bansa.

 

Facebook Comments

From Advertisers