Chito Gascon, walang balak mag-resign bilang CHR commissioner

Manila, Philippines – Walang balak si CHR commissioner Chito Gascon na magbitiw sa tungkulin kahit pa iniipit ang kanilang budget at iniinsulto siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Gascon Gagampanan niya ang kaniyang tungkulin na iminamandato sa kaniya ng Konstitusyon.

Itinanggi rin niya na siya ay umaaktong spokesperson ng Liberal Party at nanatiling mataas ang morale ng mga pinuno at tauhan ng CHR .


Ayaw na niyang magpaapekto sa pagtawag sa kaniya ng bakla at pedophile name ni Pres. Duterte.

Sa halip aniya na maginsultuhan ay mainam na itaas na lamang ang kalidad ng debate sa mga usapin ng nangyayaring patayan o extrajudicial killings sa bansa.

Facebook Comments