Chito Narvasa, posibleng tuluyang masibak bilang commissioner ng PBA

PBA – Posibleng tuluyang masibak na bilang commissioner ng Philippine Basketball Association si Chito Narvasa.

Ito ay matapos na magdesisyon ang pitong miyembro ng PBA Board of Governors na dumalo sa Special Board Meeting kanina na huwag nang palawigin ang kanyang termino.

Ipinalit kay Narvasa bilang Officer-In-Charge si Deputy Commissioner Rickie Santos.


Kabilang sa mga nagdesisyon sina Al Panlilio ng Meralco, Pato Gregorio ng Talk N’ Text, NLEX’S incoming Chairman Mon Fernandez, Dickie Bachmann ng Alaska, Siliman Sy at Mert Mondragon ng Rain Or Shine at si Raymond Zorilla ng Phoenix.

No show naman ang tatlong representative mula sa San Miguel Group of Companies gayundin ang sa Kia at Globalport.

Sa panuntunan ng PBA, kailangan ng two-thirds o walong boto mula sa board of governors para tuluyang masibak sa puwesto si Narvasa.

Facebook Comments