Inihatid na sa huling hantungan ang mga abo ni Chokoleit katabi ng mga abo ng kanyang ina, sa Davao Memorial Park, sa Davao City, Davao Del Sur kahapon.
Bago nito, nagdaos muna ng isang misa bago i-cremate ang mga labi ng komedyante bandang alas-dos ng hapon.
Dinagsa ng mga mahal sa buhay, kaibigan, at tagahanga ang mga nais makiramay sa huling pagkakataon.
Lubos na nagpapasalamat ang pamilya ni Jonathan Aguilar Garcia sa totoong buhay sa mga bumista at sa apat na kaibigan ng comedian na sila Pooh, K Brosas, Pokwang at Vice Ganda dahil malaki ang naitulong nila sa burol at libing ng komedyante.
Pumanaw si Chokoleit sa edad na 48 matapos ang kanyang performance sa Abra noong Marso 9 dahil sa pulmonary edema at atake sa puso.
Facebook Comments