Nakapagtala ng kaso ng Cholera ang tatlong barangay sa bayan ng tanza sa cavite.
Ito ay matapos mapaulat na ilang residente ng barangay Calibuyo, Punta Uno at Sahud Ulan ang nakaranas ng pagdudumi at pagsusuka.
Ayon kay Tanza Rural Health Unit Officer Dr. Ruth Punzalan, dalawang bata na rito ang nasawi kung saan ang isa ay one year old at ang isa ay walong buwan pa lamang.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung saan nagmula ang outbreak at tiniyak nilang walang dapat ipangamba ang residente dahil under control pa ang sitwasyon.
Facebook Comments