Chooks-to-go Pilipinas at Iran, magtutuos mamaya sa FIBA Asia Championship 2017

Sports – Target ng Chooks-to-go Pilipinas na malampasan ang elimination round sa pamamagitan ng pagpapatumba sa Pertochimi – Iran mamayang gabi sa nagpapatuloy na 2017 FIBA Asia Championship 2017 sa Chenzhou, China.

Sa ganap na alas-9:45 ng gabi, magtutuos ang Pilipinas at Iran.

Sa ngayon, nangunguna ang pilipinas sa group a kasama ang kazakhstan taglay ang 2-1 kartada.


Nasa ikatlo naman ang Petrochimi at Mono Vampire-Thailand na may magkatulad na 1-1 baraha habang nasa ilalim ang Palestine bitbit ang 1-3 rekord.

Dahil dito, makatitiyak na ang tiket ng Pilipinas at Kazakhztan sa quarterfinals ng torneyo.

Facebook Comments