Chooks-To-Go Pilipinas, naghahanda na sa laban kontra China bukas

Sports – Umaasa pa rin ang Chooks-To-Go Pilipinas ng magandang resulta sa kanilang laban bukas kontra defending champion China sa FIBA Asia Champions Cup.

Ito ay sa kabila ng pagkakatalo ng national team kontra Petrochimi ng Iran, 87-66 kagabi.

Ayon kay team captain Kiefer Ravena, kailangan nilang mag-move on at maghanda dahil mas mahirap na ang susunod nilang laro sa knockout quarterfinals stage ng torneyo.


Kontra sa China, makakaharap nina Ravena ang naturalized player na si Andray Blatche na siyang inaasahang manguna para sa defending champion na China Kashgar.

Sa ngayon, may 2-2 record na ang Pilipinas sa standings ng nabanggit na torneyo.

Facebook Comments