Dumating na sa Aparri, Cagayan ang Coast Guard Aviation Force kanina sakay ang 500 kilos ng relief supplies para sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan.
Pagkatapos nito, agad ding babalik sa Tuguegarao Airport ang Coast Guard chopper para sa pangalawang relief supplies transport mission.
Muli naman inihayag ng PCG na bukas sila sa mga pribadong indibidwal o organisasyon na nangangailangan ng transport assistance para makarating sa mga apektadong komunidad ang kanilang donasyon.
Ayon sa PCG, ang kailangan lamang gawin ay i-drop-off ang donasyon sa PCG National Headquarters, Pier 15, Port Area, Manila.
Tiniyak din ng Coast Guard na patuloy ang paghahakot ng BRP Gabriela Silang ng relief supplies patungong Bicol Region.
Ang naturang relief goods ay mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong organisasyon.