CHR at mga supporters ni De Lima, nagtipon-tipon para ipanawagan na palayain na ang senador

Manila, Philippines – Nagsagawa ng isang indignation run ang mga supporters mga tagasuporta ni detained Senator Leila De Lima para palayain na ito sa pagkakapiit sa Kampo Krame.

Pinasimulan  ang aktibidad sa grounds ng CHR hanggang UP Diliman.

Naniniwala pa rin sila na walang kasalanan si De Lima at  biktima lang daw ng inhustisya.


Hiling nila sa Duterte administration na palayain na ito at ibasura ang anilay gawa-gawang kaso laban sa kanya.

Bago ang indignation run nagsagawa muna sila ng programa sa Jose Diokno park sa CHR.

Nakibahagi sa nasabing aktibidad sina CHR Chairman Chito Gascon at Running priest Father Robert Reyes.

Facebook Comments