CHR, bibigyan ng isang libong budget

Manila, Philippines – Determinado si House Speaker Pantaleon Alvarez na bigyan ng isang libong pisong budget ang Commission on Human Rights para sa 2018.

Ayon kay Alvarez, hindi naman ginagampanan ng CHR ang tungkulin nito kaya hindi na magbabago ang pasya ng liderato ng Kamara.

Sa ilalim aniya ng konstitusyon, trabaho ng CHR na protektahan ang karapatang pantao ng lahat ng Pilipino.


Pero kabaligtaran aniya ang ginagawa ng CHR dahil karapatan lang ng mga kriminal ang inaatupag nito at hindi ang mga biktima ng krimen.

Kung ganito lang aniya ang ginagawa ng CHR ay mas mabuting sa mga kriminal na rin humingi ng budget ang ahensya at hindi sa gobyerno.

Balewala sa speaker kung maging mahina ang kapasidad ng CHR tutal aniya ay useless na din naman ang ahensya sa ngayon.

Facebook Comments