CHR, binantaan na tutuluyang bigyan ng pisong budget kapag patuloy na pinangungunahan ang Kamara sa budget deliberation

Manila, Philippines – Nagbabala si House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles na posible nilang totohanin ang pisong budget para sa Commission on Human Rights.

Nairita si Nograles dahil ipinagkakalat ni CHR Chairman Chito Gascon sa media na plano silang bigyan ng pisong budget ng Kamara gayong na-defer lamang ang pagdinig sa budget ng CHR.

Giit ni Nograles, ilan sa mga naging dahilan kaya naipagpaliban ang deliberasyon sa budget ng CHR ay dahil maraming isyu ang ahensya na hindi pa nareresolba.


Pinayuhan ni Nograles si Gascon na huwag pangunahan ang Kamara dahil kung hindi ay baka totohanin ang piso o zero budget para sa CHR.

Paliwanag ni Nograles kung talagang gustong bigyan ng pisong budget ang CHR, isinalang na sana ito at agad inaprubahan tulad sa kaso ng Energy Regulatory Commission na binigyan lang ng isang libong budget sa 2018.

Facebook Comments