Manila, Philippines – Bumaba ang budget ng Commission on Human Rights (CHR) sa 2018.
Mula sa kasalukuyang 749.347 Million ay bumaba ng 10% o nasa 649.484 million na lamang ang inaprubahang budget ng Department of Budget and Management o DBM para sa CHR.
Sa 649.484 Million budget, 317.021 Million ang para sa personnel services habang 294.628 Million ang maintenance and other operating expenses.
Nakasentro ang CHR ngayon sa reporma sa mga polisiya, improvement ng legal at non-legal assistance sa mga human rights victims, pagpapatibay ng relasyon sa mga legal at academic groups, pag-intensify ng CHR sa social media, at pagtatayo ng mga centers.
Tiniyak ni CHR Chairman Chito Gascon na magagawa pa rin nila ang kanilang mandato kahit binawasan ang pondo.
Ayon kay Gascon, kahit nasa 600 lamang ang staff ng CHR at limitado lamang ang budget ng ahensya ay magagawa nila ang trabaho para bantayan ang kaso ng paglabag sa karapatang pantao.