CHR, dapat tumulong sa paghahain ng reklamo sa drug-related killings – Palasyo

Mas makakatulong ang Commission on Human Rights (CHR) kung naghahanap sila ng ebidensya at maghain ng reklamo hinggil sa mga pagpatay na may kinalaman sa ilegal na droga.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos maglabas ang komisyon ng report hinggil sa umano’y paggamit ng mga pulis ng matinding pwersa sa mga drug-related operations.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat gawin ng CHR ang parte nito na ipursige ang mga reklamo para umusad ang hustisya.


Pero sinabi ni Roque na mahirap na magsampa ng kaso kung ang pagbabasehan lamang ay isang general conclusion.

Hinimok ng Palasyo ang CHR na magsampa ng kaso sa bawat drug-related deaths at magsumite ng impormasyon sa pulisya o sa National Bureau of Investigation (NBI).

Pagtitiyak ni Roque na gumugulong ang reporma sa hanay ng pulisya, kabilang na rito ang pagsusuot ng body cameras tuwing may operasyon.

Facebook Comments