CHR, giniit ang puspusang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu

Nakikiisa rin ang Commission on Human Rights (CHR) sa sambayanan sa pagluluksa sa mga nasawing sundalo at sibilyan sa pagbagsak ng C-130 na eroplano sa Sulu.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHR Deputy Spokesperson Marc Louis Siapno na lubos na nakikidalamhati ang komisyon sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima ng trahedya.

Aniya, bawat buhay ay mahalaga kabilang na ang mga kasundaluhan na nagpapakita ng kanilang dedikasyon na panatilihing ligtas ang bansa laban sa terorismo at iba pang uri ng mga banta sa seguridad.


Umaasa ang CHR ng puspusang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng C-130 plane at tiyaking hindi na maulit pa ang ganitong trahedya.

Nanawagan ang CHR sa gobyerno na ibigay sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo at sibilyan ang lahat ng tulong at suporta na kanilang kailangan.

Facebook Comments