CHR, handang magbigay ng datos hinggil sa war on drugs ng administrasyong Duterte sakaling hingiin ng ICC

Handang magbigay ng datos ang Commission on Human Rights (CHR) patungkol sa war on drugs ng nakaraang administrasyon, sakaling hingiin ito ng International Criminal Court (ICC).

Sa media session and dialogue ng CHR ngayong tanghali, sinabi ni CHR Chairperson Atty. Richard Palpal-Latoc, bagama’t hindi pa lumalapit sa kanila ang ICC investigators ay nakahanda silang magbigay ng datos hinggil sa extra judicial killings dahil ito ang mandato ng CHR.

Dagdag pa ni Palpal-Latoc, ang datos patungkol sa EJK ay isang public document kung kaya’t hindi nila lilimitahan ang ibibigay na impormasyon.


Wala rin umanong magiging conflict ang CHR sa parte ng executive department dahil ang komisyon ay isang independent na institusyon

Samantala, iginiit naman ni Palpal-Latoc na dapat makilahok ang bansa sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs, taliwas sa desisyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na huwag ng manghimasok ang pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs.

Facebook Comments