Bukas ang Commission on Human Rights (CHR) na makipag-dayalogo sa pamahalaan para pag-usapan ang isinusulong na death penalty ng administrasyon.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia – nababahala sila na maipasa ang panukala dahil lalo at marami ang kaalyado ni Pangulong Duterte sa Kongreso.
Babala ng CHR – ang pagbabalik sa parusang bitay ay paglabas sa second optional protocol ng International Covenant on Civil and Political Rights na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007.
Para sa komisyon, hindi death penalty ang solusyon para masawata ang iligal na droga sa bansa.
Ayon kay De Guia – matitigil lang ang mga krimen kung may umiiral nang kapani-paniwalang justice system sa bansa.
Facebook Comments