Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamunuan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na repasuhin ang mandato nito alinsunod sa naging rekomendasyon ni United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan.
Nauna rito, nagpahayag ng pagkabahala si Khan sa mga kaso umano ng red-tagging sa bansa.
Ayon sa CHR, handa itong magbigay ng policy advisories sa NTF-ELCAC, gayundin ng mga training o pagsasanay para maarmasan umano ito ng human rights-based approach sa pagtupad ng mandato nito.
Magugunita na nagdaos ng red-tagging forum noong December 2023 ang CHR, kung saan nakibahagi rin dito ang mga kinatawan ng NTF-ELCAC.
Facebook Comments