CHR, hindi nagustuhan ang kontrobersyal na rape prevention tips ng Pangasinan Police Provincial Office

Binatikos ng Commission on Human Rights (CHR) ang inilabas ng infographics ng Pangasinan Police Provincial Office na nagmumungkahi sa mga kababaihan na iwasang magsuot ng mga damit na nakakapang-akit upang hindi ma-rape.

Paliwanag ng CHR, wala aniya sa damit kundi rapist ang sanhi ng rape. Ang mga rapist umano ang dapat magbago at hindi ang kababaihan upang maiwan ang sekswal na pang-aabuso.

Dagdag pa ng CHR, malaya dapat ang kababaihan na mamili ng kanilang kasuotan habang walang karapatan ang sinuman na mambastos o mang-abuso batay sa kasarian o kasuotan.


Ang pagsisi sa biktima dahil sa kanyang kasuotan ay lalo umanong nagpapairal at kumukunsinti sa rape culture.

Kailangan lamang umanong matuto ng tamang asal at rumespeto ng karapatan ng gma babae ang lahat upang matigil ang rape at iba pang-aabuso.

 

Facebook Comments