Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno na maging maingat sa pagpapanukala ng mga batas.
Kasunod ito ng balitang posibleng paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, alinsunod sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, dapat tiyakin ng gobyerno na ang mga presong may magandang asal sa loob ng kulungan lang talaga ang makikinabang sa nasabing batas.
Aniya, kung hindi masusunod ang nakasaad sa batas, ibig sabihin lang walang hustisya na umiiral dito sa bansa.
Dagdag pa niya, kailangan manatili pa rin ang karapatang pantao at makamit ng bawat isa ang mapayapang hustisya.
Facebook Comments