CHR, hinikayat ang publiko na gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa darating na halalan

Manila, Philippines – Nanawagan sa publiko ang Commission on Human Rights o CHR na lumabas at bumoto sa May 13 elections at tiyaking mapoprotektahan ang kanilang karapatang pumili ng kakatawan sa kanila sa gobyerno.

Aminado ang CHR spokesperson Jacqueline de Guia na sa kabila na automated na ang eleksyon ng  modernization, hindi pa rin nawawala ang palagiang sumusulpot na problema kabilang na ang mga nawawalang listahan ng mga boboto, vote buying, disenfranchisement, pananakot at panggigipit.

Nariyan din ani de Guia ang pagsulpot ng social media trolls na nagpapakalat ng pekeng balita para lituhin ang publiko.


Hindi rin inaalis ng CHR ang paggamit ng pera, pananakot at impluwensya ng mga narco-politicians.

Gayunman, hindi aniya dapat magpadala sa takot ang mga botante sa halip ay maging matatag para makamit ang pangarap na mahusay na pagseserbisyo publiko.

Hinikayat din ng CHR ang mga kabataan na gawing makabuluhan ang kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pagboluntaryong magserbisyo sa mga grupo na tumatayong  watchdogs na magbabantay sa eleksyon.

Facebook Comments