CHR, hinikayat ang publiko na makibahagi sa gagawing synchronized interfaith prayers sa February 6

Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang sambayanan na makibahagi sa gagawing synchronized interfaith prayers o sama-samang panalangin sa Pebrero 6, ganap na alas dose ng tanghali.

Ayon kay Atty. Jacqueline de Guiana, CHR spokesperson, kailangang mapalakas ang pananampalataya sa Diyos upang malampasan ng bansa ang mga hamong kinakaharap ng bansa.

Sa nabanggit na petsa, inaanyayahan ng CHR ang mga Filipino mula sa iba’t ibang religious faith na magtungo sa Liwasang Diokno sa harap ng central office ng CHR.


Ito ay upang ipagdasal ang bansa laban sa karahasan, kalamidad, at iba’t-ibang karamdaman na kumakalat tulad ng Novel Coronavirus (nCoV).

Ayon sa grupong PASALORD Prayer Movement, hindi naman aniya kailangang magtungo sa mga plaza o bahay sambahan dahil maaaring gawin ang panalangin sa mga opisina at bahay.

Ang synchronized interfaith prayers ay gagawin bunsod ng sunod-sunod na kalamidad, karahasan, at ibat-ibang uri ng sakit tulad ng nCoV.

Wala rin umanong relihiyon ang dapat ikatwiran o kinaaaniban ang sinuman para lamang sumama sa interfaith prayers.

Facebook Comments