CHR, hiniling na maisama ang PDL sa priority list ng COVID-19 vaccination

Humihirit ang Commission on Human Rights (CHR) na maisama ang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa priority list ng mga dapat mabakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang mga kondisyon sa detention facilities katulad ng siksikan, walang maayos na healthcare services at tumataas ng mga kaso ng nagkakasakit ay isang malaking dahilan para ituring na COVID hotspots ang detention facilities.

Tinukoy ni De Guia ang rekomendasyon ng UN Committee on Economic, Social and Cultural Rights sa mga gobyerno sa buong mundo na nag-oobligang isama sa babakunahan ang mga high-risk sa COVID gaya ng mga nasa prison facilities.


Dagdag ni De Guia, bagama’t welcome development ang aksyon ng prison authorities na bawasan na ang mga PDL at magtatag ng mga quarantine facilities, nanatiling kritikal ang sitwasyon.

Iginigiit ng CHR sa gobyerno na irebisa ang ang mga plano at polisiya sa vaccination rollout upang makita ang mga nasa prioyidad batay sa antas ng bulnerabilidad.

Facebook Comments