Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine National Police (PNP) na mag-ingat sa isinasagawang imbestigasyon sa Gentle Hands Inc.
Ayon sa CHR, kahit may nasisilip na mga pagkukulang sa bahay ampunan, dapat na tiyakin ng mga kinauukulang ahensya na hindi lilikha ng trauma sa mga bata ang isinasagawang imbestigasyon.
Nabahala ang CHR sa napaulat na may mga police officer na armado ang dumating sa bahay ampunan na nagdulot ng takot sa bata.
Nagpadala na ang CHR ng quick response team sa Gentle Hands para i-monitor ang sitwasyon.
Facebook Comments