CHR, idinepensa ang kapasidad at kakayahan ng bagong en banc chief at dalawang commissioners nito

Ipinagtanggol ng Commission on Human Rights (CHR) ang qualifications at background ng bagong en banc chief nito at dalawang commissioners nito.

Kasunod na rin ito sa pagdududa ng ilang human rights community sa kapasidad at background ng chairperson at dalawang commissioners ng Komisyon.

Ayon sa CHR, makakaasa ang publiko na ang kasalukuyang miyembro ng Commission en banc ay nakasunod sa criteria of pluralism o kumikilala sa magkakaibang paniniwalang pulitikal sa ilalim ng Paris Principles na kinakailangang taglayin ng mga National Human Rights Institutions upang maging epektibo sa pagpapatupad ng mandato nito.


Dagdag ng CHR, ang chairperson nito na si Richard Palpal-Latoc ay may mayamang karanasan sa kaniyang legal career practice at background.

Naging trial lawyer ito at naging assistant city prosecutor, at deputy executive secretary for Legal Affairs sa ilalim ng Office of the President.

Si Commissioner Beda Epres, ay galing sa Office of the Ombudsman kaya may matibay na investigation background at expertise sa pagsasagawa ng mga independent investigation.

Habang si Commissioner Faydah Dumarpa, ay may malawak na karanasan sa legal, socio-political, at administrative at finance arenas.

Facebook Comments