CHR, iginiit na dapat ay huling hakbang o “last resort ” lang ang mandatory vaccination sa paglaban ng gobyerno kontra COVID-19

Muling iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na dapat ay huling hakbang lang ang mandatory vaccination sa paglaban ng pamahalaan kontra COVID-19.

Nauna nang nanindigan ang CHR na ang desisyon sa kung magpapabakuna o hindi ay nasa pagpapasiya ng sinumang indibidwal.

Ayon pa sa CHR, mandatory vaccination ay gagamitin lang kung nasubukan na ang lahat ng pamamaraan upang mahikayat ang mga nag-aalangang magpabakuna.


Bagama’t mahalaga ang pagkamit sa herd immunity, hakbang lang ang mandatory vaccination.

Sa ngayon, ang dahilan ng kawalan ng kahandaang magbakuna ng publiko ay dahil sa vaccine misinformation.

Dapat umano munang mapaliwanagan ang ilang indibidwal na may takot sa epekto ng bakuna kontra COVID-19.

Kung ito muna ang mabigyan ng kaukulang pansin, madaling mahihikayat ang mga may duda at madaling makakamit ang herd immunity.

Facebook Comments