Manila, Philippines – Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na maituturing na karapatan ang pagiging pribado ng personal na buhay sa ilalim ng Universal Declaration of Human Rights at ng Data Privacy Act of 2012.
Ito ay sa harap ng isyu ng data breach ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Kasabay nito, pinuri ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia ang National Privacy Commission (NPC) sa pag-iimbestiga sa posibilidad na pagkakompromiso ng mga passport data.
Nanawagan sa administrasyong Duterte ang CHR na tukuyin ang nasa likod nito at papanagutin upang matiyak na mapoprotektahan ang lahat ng apektado sa pangyayari.
Nauna naman nang nilinaw ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., na walang nanakaw na passport data at malamang na nabigyan lamang ng maling impormasyon ang ngayon ay DFA secretary na si Teddy Locsin.