CHR, iimbestigahan ang mga pisikal na atake at diskriminasyon sa mga Healthcare Workers sa gitna ng banta ng COVID-19

Magsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights sa mga hindi magandang pagtrato sa mga healthcare workers na humaharap sa banta ng COVID-19.

Kinondena ni Atty. Jacqueline de Guia ang mga pisikal na pananakit at diskriminasyon sa mga health workers na itinuturing na mga bayani ngayong humaharap ang bansa sa isang krisis pangkalusugan.

Tinukoy ni de Guia ang ginawang pagsaboy ng bleach sa mukha ng isang health worker mula sa isang private hospital sa Tacurong City, Sultan Kudarat.


Inaalam na rin ng CHR ang napaulat na ilang health workers na ang pinalalayas na sa kanilang mga boarding houses dahil sa hinalang na-expose na ang mga ito sa virus.

Apela ni de Guia, hindi sapat na pinupuri natin ang mga health workers sa social Media

Marapat aniya na ipakita ito sa pamamagitan ng makatotohanang pagkalinga.

Facebook Comments