CHR, iimbestigahan ang pagkamatay ng isang construction worker na napagkamalang holdaper ng isang pulis

Magsasagawa ng motu proprio investigation ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkamatay ng isang construction worker sa Sta. Rita, Pampanga na napagkamalang holdaper ng isang pulis.

Nag-ugat ito nang mabaril ni Police Cpl. Eframe Ramirez si Federico ‘Tek’ Pineda noong gabi ng January 2.

Nagsasagawa kasi ng dragnet operation ang mga pulis dahil sa nangyaring pagnanakaw sa isang piso net shop sa Barangay San Matias sa bayan ng Sta. Rita nang saktong mapadaan ang biktima.


Sumakto sa description ng suspek si Pineda kaya ito napagkamalan.

Pinayuhan ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia ang PNP na i-review ang kanilang procedures para matiyak na hindi sobra-sobrang puwersa ang nagagamit sa mga police operations.

Ipinaalala ng CHR spokesperson na tungkulin ng pulis na protektahan ang publiko.

Hindi aniya kamatayan ang unang option sa alinmang operasyon.

Layunin aniya ng law enforcement na proteksyunan ang human rights at hindi para labagin.

Facebook Comments