Magsasagawa ang Commission on Human Rights (CHR) ng hiwalay na imbestigasyon sa pananambang kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann De Guia, layon nito na makatulong sa paghahanap ng katotohanan, katarungan at mahuli ang may sala.
Aniya, nakababahala na ang mga paglabag sa mga karapatang pantao ay nagiging malala at at walang pagsasaalang-alang sa buhay ng tao.
Nauna nang bumuo ang Calabarzon police ng “Special Investigation Task Group” (SITG) na tututok sa pagresolba sa pananambang kay America.
Sa ngayon, nasa stable condition na ang alkalde sa Medical Center Hospital sa Manila matapos magtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng balikat.
Facebook Comments