Magsasagawa ang Commission on Human Rights (CHR) ng motu propio investigation sa nangyaring riot sa loob ng Caloocan City Jail na ikinasawi ng anim na Persons Deprived of Liberty (PDLs) at ng 33 iba pa.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakakabahala na ang trend ng mga insidente ng riot sa jail facilities.
Una na ring inimbestigahan ng CHR ang riot na sumiklab noong nakaraang buwan sa loob ng New Bilibid Prison na ikinasawi rin ng tatlong PDL.
Ani De Guia, panahon na para doblehin ng mga detention official ang kanilang mga clearing operations upang masigurong walang maipupuslit na mga deadly weapon sa jail facilities.
Umaasa naman ang CHR na ang hiwalay na imbestigasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Caloocan Jail riot ay magresulta ng kongretong solusyon para hindi na maulit ang naturang insidente.