Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa sunod-sunod na cyberattacks sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.
Ayon kay CHR Commissioner Faydah Maniri Dumarpa, ang ganitong cyberattacks ay banta sa national security.
Pahihinain nito aniya ang pagtitiwala ng publiko sa pamahalaan dahil sinisira nito ang integridad ng government operations, lalo na ngayong digital age.
Bilang focal commissioner ng emerging technologies, binigyan diin ni Commissioner Dumarpa ang pagkakaugnay ng umuusbong na ICTs at ang rights-based policy framework.
Facebook Comments