CHR, ikinalugod ang pagsusulong sa Senado ng Philippine Nursing Practice Act of 2022

Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsusulong ng Philippine Nursing Practice Act of 2022.

Naniniwala ang CHR na ang pag-asikaso sa pangangailangan ng healthcare workers ay mainam na pundasyon sa pagkakaroon ng malusog na healthcare system para sa mga Pilipino.

Giit ng CHR, maliban sa pagtiyak sa kanilang kaligtasan, tungkulin ng pamahalaan na ibigay sa mga health workers ang accessible, maayos at ligtas na public health at medical facilities upang makapaghagid ng serbisyo sa publiko.


Pinuri ng CHR ang probisyon sa panukalang batas para sa isang long-term strategy para paunlarin ang Philippine nursing industry.

Kasabay nito, sumama na rin ang komisyon sa mga boses na nanawagan para sa agarang pagpapalabas ng hazard pay o bonus ng mga health workers na humarap noon sa laban ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments