Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gender-based sectors na samantalahin ang mga platforms para labanan ang nga gender-based violence ngayong digital age.
Pinuri ng CHR ang pag-activate ng Philippine National Police (PNP) ng virtual helpline para sa mga bata at kababaihan na biktima ng karahasan at pang-aabuso.
Kinikilala ng CHR ang malaking itutulong ng helpline at iba pang gaya ng social media platforms para maging accessible ang mga assistance sa mga gustong mabigyan ng tulong emosyonal
Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na nakababahala na ang lumalalang kaso ng mga gender-based violence, partikular sa sektor ng mga bata at kababaihan.
Karamihan sa mga biktima ay ayaw lumantad dahil sa posibleng kaharaping kahihiyan.
Facebook Comments