CHR, ikinatuwa ang distribusyon ng DOTr ng fuel subsidies sa mga PUV driver at operator

Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamamahagi ng ₱6,500 na fuel subsidies sa mga Public Utility Vehicle (PUV) driver at operator.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, kinikilala nila ang pagsisikap na ito ng gobyerno para ayudahan ang transportation sector sa epekto ng sunod- sunod na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ani De Guia, sa pamamagitan ng fuel subsidy, makokontrol ang inflation at maiiwasang tumaas ang pamasahe ng mga commuter.


Dahil nanatiling mataas ang bentahan ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan, dapat umanong makapaglatag ang gobyerno ng long-term plan para maampat ang impact ng krisis sa mga mahihirap na kasambahay.

Dagdag ni De Guia, dapat pang maghanap ng ibang options ang pamahalaan para mapatatag ang fuel price sa mga susunod na buwan upang hindi lumala ang sitwasyon.

Facebook Comments