CHR, ikinatuwa ang Labor Advisory sa mga employer para sa tuloy-tuloy na pasahod sa mga empleyado na mag-i-isolate o quarantine matapos mahawa sa COVID-19

Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang Labor Advisory ng Department of Labor and Employment (DOLE) na humihimok sa mga negosyante na tuloy-tuloy ang pasahod sa mga empleyado na mag-isolate o quarantine matapos mahawa sa COVID-19.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, bagama’t hindi ito ginawang mandatory ng DOLE, magandang panimula ito para sa tuloy-tuloy na dialogue para sa employees’ welfare sa gitna ng pandemya.

Malaking bagay na aniya ito upang wala nang mawawalan ng kabuhayan dahil sa self-isolation at quarantine dahil sa COVID-19.


Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga manggagawa na maalagaan ang kanilang sarili at ang kanilang kaanak na makarekober sa sakit.

At makakatulong din ang mga ito na magpatuloy na gumagalaw ang ekonomiya ng bansa kahit may krisis pangkalusugan.

Umaasa ang CHR na makapagkaloob ng tulong ang gobyerno sa mga malilit na negosyo na gustong magkaloob ng insentibo sa kanilang mga manggagawa pero di magawa dahil sa mahinang kita.

Facebook Comments