CHR, iniimbestigahan ang pagkalawa ng dalawang aktibista sa Taytay, Rizal

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkawala ng mga aktibistang sina Gene Roz de Jesus at Dexter Capuyan.

Kasunod ito ng paghingi ng tulong sa CHR ng mga magulang ng dalawa.

Ayon sa mga magulang, may hinala sila na hawak ng militar ang kanilang mga mahal sa buhay.


Una na umanong nag-alok ang militar ng 1.8 million peso na patong sa ulo ni Capuyan na isa umanong officer ng Chadi Molintas Command ng New People’s Army.

Ang 27 anyos na si De Jesus ay Information and Communication Officer ng Philippine Task Force for Indigenous Peoples Rights, habang ang 56 anyos na si Capuyan ay lider aktibista sa La Trinidad, Benguet.

Nauna nang itinanggi ng mga Rizal-based law enforcement, security, at intelligence agencies na hawak nila sina De Jesus at Capuyan.

Nanawagan ang CHR sa mga law enforcement agencies na sikaping matunton at mailigtas ang mga missing activists.

Hinimok din nito ang mga may nalalaman sa pagkawala ng 2 na makipag-ugnayan sa kanilang mga tanggapan o sa PNP.

Facebook Comments